Showing posts with label Filipino. Show all posts
Showing posts with label Filipino. Show all posts

Sunday, April 13, 2014

Happy tenth, UDD!

One of my favorite local bands, Up Dharma Down, just turned ten last March 9.
Screenshot from @armimillare's Instagram

I love this band so much. I've been raving about them since I fell in love with their songs "Oo" and "Tadhana."

Friday, September 20, 2013

Rodgers and Hammerstein's Cinderella in Manila

I was lucky to have witnessed Filipino Broadway theater actress Lea Salonga perform for a play, Rodgers and Hammerstein's Cinderella in 2009 at the Cultural Center of the Philippines.

It was the Cinderella's cast and crew's first time to put up a show in Manila which ran July 15 to 28, 2009. Then it was managed by an Australian production. 

Manila is actually their first stop in their Asia and US tour but they already nailed it. Like most of the renowned plays, Cinderella was able to capture the heart of the Filipinos especially that it was adapted from one of our favorite fairy tales. The shows were sold-out and it was truly lauded. I love their set. The carriage was very remarkable the casts were of course brilliant. I know that not everyone is fond of musicals but plays like these should also be appreciated because they are well-crafted since there must be a presence of good script, music and acting in one production. Here are some photo snippets of the day I watched Cinderella:

I adore this glass slipper. This is how the stage looks like during close-curtains/breaks.
The 2009 Cinderella poster
Since I can't take photos from the play proper, I took photos of the souvenirs outside the theater.
Shirts and caps 
Yay, pumpkins!
Some other displays
Cinderella's friend! Thought he was supposed to be a rat/mouse. Whatever rodent.
The precious glass slipper. Where we all know the twist originated from. Look there's a white mouse.
Well, this is a musical so...
This is what I took home. A key chain glass slipper. Too bad after some years it broke due to the tropical weather.
My ticket. Low quality, sorry. I wonder where this is now? Lost, maybe.
I'm hoping that that would not be the first and the last time I'd be seeing Miss Saigon, Salonga perform in theater (internationally).

This year Rodger and Hammerstein's Cinderella  will be staged again. This time Cinderella will be played our very own Karylle (alternating with Julia Abueva and Justine Pena) and her Prince Charming will be portrayed by the balladeer Christian Bautista (alternating with my crush, Fred Lo). It will be shown this October at the Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila. I am looking forward to these two talents. The play will be adapted to the Chinese version. Plus this is an all-Filipino cast, Filipino pride! Let's see how they would keep up with Ms. Lea Salonga. 
Cinderella poster (Photo Credits: Resorts World Manila)
For show schedules,

Sunday, September 02, 2012

Sige na please, Santa.

Kailanman hindi magtutugma 
ang mundo ng dalawang taong nagmula
sa ibang planeta.

Kahit sila ay magsinta
Pagdikitin mo man na parang linta
Sasabog pa rin na parang kometa.

Hindi ko talaga sila maipinta


Pilitin ko man ganoon pa rin ang resulta
Sinubukan ko na ang lahat ng kulay parang wala pa ring tinta 

Sana man lang may kwenta
Itong pagpinta ko sa dalawang magsinta
Na nakatira sa magkaibang planeta

Kasi... wala lang, basta.

Gusto ko lang naman ng magandang resulta.

~Written last Friday morning. Edited and done by night. Daily musings.

Sunday, June 06, 2010

Unbroken glass: Isang Maikling Kwento

Mataimtim akong nagbabasa ng librong Other Boleyn Girl ni Philippa Gregory sa Powerbooks. Badtrip kasi ako ngayong araw. Napag-initan ako ni boss sa trabaho, hindi ko nakuha ang loob ng kliyenteng Kano na nakipagtransaksyon kanina, kaya naman matapos ang work, nilakad ko ang kahabaan ng Ayala para makarating sa Greenbelt at deretso agad sa bookstore na ‘to. Alam mo na, para mag-unwind at panandaliang limutin ang realidad sa pamamagitan ng pagbabasa. Nasa kalagitnaan na ko ng pagbabasa nang mawala ang konsentrasyon ko dahil sa nakakairitang tunog. Yun pala, isang lalaking naka-headphone ang umupo sa likod ko. Di naman ako masungit at bugnuting tao, pero sa panahong ganito na badtrip ako ayokong may umiistorbo sa pagbabasa ko. Ubod ng lakas ng kanta sa MP3 niya, bingi na siguro ang taong ‘to. Lumalabas na sa headphones ang tunog ng pinakikinggan niya. Kung di ako nagkakamali ang pinapatugtog niya ay Sweet Child of Mine ng Guns and Roses. Makaluma naman ang taong to sa loob loob ko. Di na ko nagpatumpik-tumpik pa, kinalabit ko na siya. Laking gulat ko ng lumingon siya at ng makita ko ang kaniyang muka.

“Berns?!” Bulalas ko.

Berns, Berns, Berns, Bernard Suico, pano ko naman malilimutan ang taong ‘to. Si Berns na kaisa-isa kong ex, pinakisamahan ng tatlong taon, si Berns na nag-paalam at di na bumalik kaya pilit kong kinalimutan sa nakalipas na limang taon.

Hindi pa rin siya nagbabago, gwapo pa rin. “O Nina, Ba’t parang nakakita ka ng multo?” sabay ngiti niya. Hindi ko sinagot ang tanong na yun. N.R. kuno ako, siyempre galit pa din ako sa nangyari. Nagpaalam siya ng walang dahilan at matapos noon tuluyan ng naputol ang komunikasyon namin. Hindi ko na siya nakita matapos noon. Hindi na siya pumasok sa school, graduating pa naman kami noon. Bagamat hindi kami magka-batch sabay sana kami ga-graduate dahil 5th year niya na yun sa Archi ako naman 4th year na sa CFAD. Sobrang sayang. Pero ganun talaga. Wala akong ideya sa kung anumang dahilan ng aming paghihiwalay. Naiisip ko tuloy minsan, masyado ko na ba siyang mahal kaya nasakal na siya? O marami pa kong pagkukulang kaya nagkaganun? Wala pa din akong sagot kahit ngayon. Ayoko na lang din isipin. Tutal matagal na din ang limang taon. Sapat na ‘to para sabihing naka-move on na ako.

Dahil hindi ako sumagot, inaya niya na lang ako sa coffee shop o sa dinner. Wala pa din akong sagot. Kaya ang ending, hinatak niya na lang ako at wala na kong nagawa. Kaharap ko na siya ngayon sa isang lamesa dito sa Chinese Restaurant. Kami lang dalawa. Ano ba ‘tong pinasok ko? Dapat nag-object man lang ako. Pero naisip ko mas okay na ‘to kaysa naman sa coffee shop kami, mas mahaba ang usapan pag doon kami napadpad. Ok na din ‘to. Magpapanggap na lang ako na kumakain mamaya. “Waiter, Isang yang chao nga, birthday noodles, Fish Tofu at Beef Brisket. Tsaka dalawang Iced Tea na din. May gusto ka pa ba, Nina?” Hindi pa din ako sumagot. “Ah sige, kuya, Yan na lang muna. Salamat.” Ibinaba niya na ang menu, at kinuha ang kamay ko. Grabe, nanlamig ako. Dahil hindi ko alam ang gagawin ko. Ngayon ko lang napagtanto, wala pa ding nagbago sa nararamdaman ko, kahit may galit, mahal ko pa din siya. Na-miss ko nga ang ganitong pagkakataon na hinahawakan niya ang kamay ko. Pinalis ko ang kamay niya, pero nagpumilit pa rin siya. “Nina. Yung nangyari dati…” Pinutol ko na ang sasabihin niya. “Kung hihingi ka ng tawad at magpapaliwanag kung bakit ka nawala, ‘wag mo na ituloy. Masyado ng matagal yun, huli na ang lahat.” Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko. “Nina, pagbigyan mo na ko. Huli na ‘to. Hayaan mo naman akong makabawi.” Patuloy na lang siyang nagkwento, at di na lang ako kumibo hanggang sa dumating na ang mga inorder niya.

Walang kamustahang naganap. Sinimulan niya na ang litanya niya “Alam mo ba kung bakit ako nawala?, alam ko hindi mo alam. Sobrang nagsisisi ako na di ko ipinaalam sa’yo. Ang tanga tanga ko Nina! Alam ko yun. Di na ko nagtataka kung bakit ka galit sakin ngayon. Ayos lang sakin kahit sampal-sampalin mo pa ko. Ako naman kasi ang nagkasala.” Gusto kong maiyak, maawa pero di niya pa rin sinasabi ang dahilan. Tumungo na lang ako habang unti-unting kumakain. “2004 nang magpaalam ako sa’yo. Kung alam mo lang ang pinagdaanan ko, nawalan ako ng direksyon sa buhay. Lalo pa’t wala akong naging karamay. Nagkasakit kasi noon si Mama, na-diagnosed siya ng Cancer of the Colon, Stage 3, Si Kuya Brian naman nawalan ng trabaho, Si Bernice, nabundol ng truck. Hindi ko alam ang gagawin ko nun. Wala akong pagkukuhanan ng pera, si Papa dahil kaka-retire lang kakaunti lamang ang naipong pera, hindi sapat para tustusan ang pagpapagamot kay Mama at Bernice. Si Kuya kahit walang trabaho, ume-extra kay Tito sa tindahan niya para naman kumita kahit papano. Ako naman napilitang maghanap ng trabaho. Kaya iniwan ko ang pag-aaral, kahit na ilang buwan na lang sana nun ga-gradweyt na ko. Nakahanap naman ako awa ng Diyos. Pero sobrang hirap Nina, hati ang katawan ko sa umaga magbabantay ako, sa gabi shift ko naman sa call center. Halos di na ko natutulog, naging bahay ko na ang Ospital ng Maynila dahil dun na ko tumutuloy.” *Blag!!!* Nahulog sa sahig ang basong iniinuman ko. Tila nakikiramay sa emosyong nararamdaman ko na magkahalong awa, galit at lungkot. Bakit kaya di niya man lang ako sinabihan sa mga pinagdaanan niya noon? Para saan pa at naging girlfriend niya ako? Pinulot niya ang baso at sumenyas sa waiter para humingi ng bagong Iced Tea, isang himala na hindi nabasag ang baso. Matapos iabot ng waiter ang order, nagpatuloy na siya sa pagkukwento. Namumula na ang mata niya, pigil na pigil ang pag-iyak. “Iniisip ko noon kung dapat kong sabihin lahat sa’yo ito noon. Pero napag-desisyunan kong ‘wag na lang. Ayokong dalin mo pa ang problema ko. Sabi ko sa sarili ko, aayusin ko muna lahat ‘to bago kita balikan. Nagkamali ako. Sana pala naging totoo na lang ako sa’yo.” Tumulo ang luha niya. Sa ngayon, ako na mismo ang humawak sa kamay niya. “Kung maibabalik ko lang ang panahon…” Itinuloy ko ang sasabihin niya. “Hindi mo sana ko iniwan at sinabi mo sana sakin lahat ng ‘to, tama ba?” Umiiyak pa din siya at ako, nanatiling matigas. “Oo, di bale ng iwan mo ko dahil puno ako ng problema at least nalaman mo manlang sana ang pinagdaanan ko. Pero di ko nagawa! Kaya sorry talaga. Kung may salita mas hihigit sa sorry yun na ang ibig sabihin ko. Hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa’yo pero alam ko huli na ang lahat.” Nagkaron ng panandaliang katahimikan matapos niyang huminto. “Alam mo Berns, Hindi mo na sana pinatagal ‘to. Maiintindihan naman kita kung may pinagdadaanan ka nun eh. Kahit bata pa tayo noon, mature na din naman ang pag-iisip ko nun. Hindi kita pakakawalan ng dahil lang sa marami kang problema. Binigyan mo sana ko ng pagkakataong tulungan ka.” Tinitigan niya ako. “I know. Kaya nga ang tanga ko eh. Sorry talaga, baka hindi mo na ko mapatawad. Sobrang tagal ng limang taon. Nakita mo ba ang basong nahulog kanina? Ganun ako Nina, nagpakatatag kahit nahuhulog hangga’t sa makaahon na ko sa hirap. Nung naging maayos na ang lahat, hinanap kita, maniwala ka. Hindi na nga lang ako nagtagumpay dahil pati sa barkada ko nawalan na ko ng komunikasyon. Sana mapatawad mo pa ko, kahit na hindi na tayo mag-usap after nito, malaman ko lang na napatawad mo na ko. Magiging mapayapa na ang loob ko.” Tiningnan ko siya mata sa mata. “Hindi ako Diyos para hindi ka patawarin Bernard, hinintay ko din ang araw na ‘to. Gusto ko din naman ng maayos na closure, yung hindi basta paalam na walang dahilan. Limang taon din akong nagtaka sa nangyari satin, umasa na babalikan mo ko. Kaya nga hanggang ngayon single pa din ako eh. Kung kapatawaran lang ang hinihingi mo, matagal ko ng naibigay sa’yo yun. Yung galit na ‘to maya maya lang wala na ‘to. May katwiran ka din naman kahit papano, kaya pinapatawad na kita.” Tumayo siya at niyakap ako, umiiyak pa din siya. Binulong niya sa akin “Salamat Nina, I love you…” Naiyak na din tuloy ako. Wala na kong pakialam kung ano sabihin ng taong nakapaligid. Eksena na kung eksena. Moment namin ‘to.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!!!*

Nagising ako sa tunog ng alarm clock. 10 am na pala! Kanina pa ring ng ring ang alarm clock na ‘to. Tinignan ko ang paligid, basa ang unan ko. Panaginip lang pala ang lahat. Napatingin ako sa kalendaryo, Holiday pala ngayon. December 31, 2009. Balik sa normal ang buhay ko. Binukas ko ang TV. “Breaking News, Isang lalaking nasaksak kaninang madaling araw sa EDSA matapos ipagtanggol ang mag-lolang tinututukan ng patalim ng holdaper namatay. Napag-alamang ang lalaking ito ay nagngangalang Bernardo Suico,na taga-Cubao ayon sa ID sa bag nito. Ang mga labi ng bangkay ni Suico ay ibinigay na sa pamilya at napagpasyahang iburol siya sa Paz Funeral sa Cubao…” Pinatay ko ang TV. Hindi ako naiyak, oo nalulungkot ako sa pagkamatay niya, pero natutuwa ako na sa huling sandal ng buhay niya, nakuha niyang mag-paalam at magpaliwanag sakin sa pamamagitan ng panaginip. Oo nga pala, bagong taon na bukas, sinadya niya siguro to para makapagsimula na ko ng maayos na buhay bukas. Panibagong tsapter kung saan wala na siya. Dali dali akong nanalangin para sa kaluluwa niya at nag-ayos na para bisitahin ang kanyang burol.
-End-

Author's note: All characters and event are not related from the author, everything was just a product of my imagination. This was my first short-story ever.

Monday, May 04, 2009

Joining Ako Mismo


“Symbol of Courage. Primarily used to identify soldiers during war or battle, the dog tag has become a symbol of courage and strength through the years.Now, Ako Mismo is using the dog tag in its advertising campaign to identify the brave Filipinos who are taking a stand against apathy; those who have decided to fight the indifference that is plaguing our country. No more complaints, no more excuses. Wearing the Ako Mismo dog tag is a sign of the commitment to do something, big or small, for the country.”- Ako Mismo.org (credits for the photo and text)

My pledge: Ako mismo ay makikisama sa pagbabago bilang isang peryodista.
Ako Mismo’s goal is to voice out the people’s stand on issues, cause they believe in and for Filipinos to post their pledges. When I joined the ‘org’ this afternoon I have read the ad on the newspaper and after I’ve watched it there were about 9,500 commitments posted on the wall. Now when I checked my profile this night, the figures amazingly increased into 18,117. Coincidence though, today Filipinos’ pride Manny “Pacman” Pacquiao won. The race is making a voice across the world, making a change, let’s all start with a simple pledge, might as well join the AKO MISMO movement and let your principles be heard. links:
http://akomismo.org

Monday, April 02, 2007

Mangarap ka.


Gusto ko lang mag-Tagalog ngayon, para maiba naman at yun naman talaga ang lengwahe ko. PINOY ako! kaya yun ang aking pananalita. haha! Pero hindi ito ang tema ng aking blog entry para sa araw na ito.
Gustong-gusto ko yung pakiramdam pag nasa sasakyan ako at bumabiyahe, o kaya naman kapag matutulog ako kasi lumilipad ang utak ko. Masaya, enjoy nga eh! Kung san-san nakakarating yung isip mo, sa mundong hindi naman talaga totoo. Pansamantala, nalilibang ka. Humihinto ang oras kasi nga kung anu-ano naiisip mo, try mo minsan, mag-eenjoy ka. hehe! nag-plug daw ba!
Palagay ko kasi kapag ganun nagiging malikhain ako, sa palagay ko lang ha, kasi may nabubuo akong kwento tsaka yung mga bagay na sa iba kahibangan nabibigyang importansiya ko. Politika. Showbiz. Love story. Mga Kanta. Buhay ng may buhay. Si Kris Aquino. Mga kaibigan ko. Pamilya ko. College. Future. Lahat na, andun na yun, pag nagsimula na kong mag-isip pumapasok na lang lahat, parang blog. Tuloy-tuloy yun hanggang sa di ko na namalayan nakatulog na pala ko. Bukas ulit. Ganun ginagawa ko araw-araw. haha! Sa Ingles tinatawag nilang "day dreaming" yun. Sa tingin ko hindi kabaliwan yun kung sa tingin ng iba sayang ang oras sa ganoong bagay, sakin hindi. Sa gawaing ito, mas nagiging makulay ang mundo pag may mga taong nangangarap ng gising, bakit kamo? kasi yung mga imbentor sila yung produkto nito. Minsan silang nangarap ng gising, nag-iisip ng kung anu-ano sa mundong hindi nag-eexist, at pagdating nila sa realidad, ayun, ginagawan na nila ng posibilidad ang minsang hindi nila inakalang magkakatotoo. Sa gawaing din ito, mas nagiging malikhain ka, tulad ko, nakakagawa ako ng kwento tungkol sa isang bagay, maaring isang hakbang ito upang makasagawa ako ng sulatin dahil isa sa mga pangarap ko ay ang maging manunulat. Marami pang ibang magagandang dahilan kung bakit nanaisin mong mangarap, huwag nga lang masobrahan, dahil sabi nila:"Masama ang sobra." Tama yun, baka di ka na magising sa panaginip at makalimutan mo na ang katotohanan.
Anuman ang iyong pananaw sa pangangarap isa lang ang masasabi ko, ang isang munting pangarap ng isang tao ay nagsisilbing pag-asa para maisakatuparan ito, upang mas maging maayos ang mundo ng realidad kung saan ako nabubuhay sa ngayon.
Tatapusin ko ang entry ko sa mga linyang sikat na sikat sa ngayon:
"Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo.."-Prospero Pichay
Nasa sa iyo na kung ito ay katotohanan o kathang-isip lamang.