Gusto ko lang mag-Tagalog ngayon, para maiba naman at yun naman talaga ang lengwahe ko. PINOY ako! kaya yun ang aking pananalita. haha! Pero hindi ito ang tema ng aking blog entry para sa araw na ito.
Gustong-gusto ko yung pakiramdam pag nasa sasakyan ako at bumabiyahe, o kaya naman kapag matutulog ako kasi lumilipad ang utak ko. Masaya, enjoy nga eh! Kung san-san nakakarating yung isip mo, sa mundong hindi naman talaga totoo. Pansamantala, nalilibang ka. Humihinto ang oras kasi nga kung anu-ano naiisip mo, try mo minsan, mag-eenjoy ka. hehe! nag-plug daw ba!
Palagay ko kasi kapag ganun nagiging malikhain ako, sa palagay ko lang ha, kasi may nabubuo akong kwento tsaka yung mga bagay na sa iba kahibangan nabibigyang importansiya ko. Politika. Showbiz. Love story. Mga Kanta. Buhay ng may buhay. Si Kris Aquino. Mga kaibigan ko. Pamilya ko. College. Future. Lahat na, andun na yun, pag nagsimula na kong mag-isip pumapasok na lang lahat, parang blog. Tuloy-tuloy yun hanggang sa di ko na namalayan nakatulog na pala ko. Bukas ulit. Ganun ginagawa ko araw-araw. haha! Sa Ingles tinatawag nilang "day dreaming" yun. Sa tingin ko hindi kabaliwan yun kung sa tingin ng iba sayang ang oras sa ganoong bagay, sakin hindi. Sa gawaing ito, mas nagiging makulay ang mundo pag may mga taong nangangarap ng gising, bakit kamo? kasi yung mga imbentor sila yung produkto nito. Minsan silang nangarap ng gising, nag-iisip ng kung anu-ano sa mundong hindi nag-eexist, at pagdating nila sa realidad, ayun, ginagawan na nila ng posibilidad ang minsang hindi nila inakalang magkakatotoo. Sa gawaing din ito, mas nagiging malikhain ka, tulad ko, nakakagawa ako ng kwento tungkol sa isang bagay, maaring isang hakbang ito upang makasagawa ako ng sulatin dahil isa sa mga pangarap ko ay ang maging manunulat. Marami pang ibang magagandang dahilan kung bakit nanaisin mong mangarap, huwag nga lang masobrahan, dahil sabi nila:"Masama ang sobra." Tama yun, baka di ka na magising sa panaginip at makalimutan mo na ang katotohanan.
Anuman ang iyong pananaw sa pangangarap isa lang ang masasabi ko, ang isang munting pangarap ng isang tao ay nagsisilbing pag-asa para maisakatuparan ito, upang mas maging maayos ang mundo ng realidad kung saan ako nabubuhay sa ngayon.
Tatapusin ko ang entry ko sa mga linyang sikat na sikat sa ngayon:
"Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo.."-Prospero Pichay
Nasa sa iyo na kung ito ay katotohanan o kathang-isip lamang.
3 comments:
5 non-Tagalog words I found... SHOWBIZ, LOVE STORY, COLLEGE, FUTURE, and NAG-EEXIST :))... the rest are... nosebleed dude! Ahahaha!
Oh, my bad. :)) Well guess I'll improve on that part and make everything Tagalog. hahaha! :)) Joke. Oh, you'll understand those. Dun worry :)
napaka-interesante, thanks
Post a Comment